MRT3

LRT-1, 2, at MRT-3 may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

46 Views

MAGBIBIGAY ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 1 at 2 at Metro Rail Transit 3 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 Araw ng Kalayaan.

Magkakahiwalay na inanunsyo ng tatlong railway system ang pagbibigay ng libreng sakay sa Miyerkoles, Hunyo 12.

Ang tatlong train system ay magpapatupad ng libreng sakay mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.