LRT1

LRT-1 Cavite Extension 73% ng tapos

162 Views

UMABOT na umano sa 73 porsyento ang overall progress rate ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension hanggang noong Agosto 2022.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang private operator ng LRT-1, tuloy-tuloy ang paggawa sa 11.7 kilometrong proyekto.

Bukod sa pagkakabit ng mga riles at electrical system, puspusan din umano ang paggawa sa limang dagdag na istasyon—ang Redemptorist, MIA, PITX Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos.

Samantala, inanunsyo ng LRMC na isasara ang outer lane ng (northbound) ng Imelda Bridge na nag-uugnay sa Barangay La Huerta at Barangay Sto. Niño sa Parañaque City hanggang sa Nobyembre 10 mula alas-9 ng gabi hanggang 4 ng umaga.

Isasara naman ang inner/leftmost northbound ng CAVITEX-Parañaque Bridge mula alas-7 ng umaga sa Oktobre 15 hanggang alas-11 ng umaga ng Oktobre 16.