Luis

Luis, Jessy mansyon ang dream house

Vinia Vivar Apr 17, 2024
38 Views

NAGBIGAY ng update si Luis Manzano sa ipinapagawa niyang dream house para sa kanyang pamilya.

Sa latest vlog ng TV host ay ipinasilip niya ang ipinapagawang bahay na actually ay parang mansyon sa laki.

Halos nasa one fourth pa lang ang nagagawa pero ipinakita rin niya ang rendered floor plan para magkaroon ng idea ang viewers kung ano ang magiging hitsura nito pag natapos na.

Nakakatuwa ang master bedroom dahil mas malaki pa ang walk-in closet ng misis niyang si Jessy Mendiola kesa sa kanilang kwartong mag-asawa.

Sabi ni Luis, ito lang ang nilambing ni Jessy sa kanya – ang magkaroon ng walk-in closet para sa kanyang wardrobe, bags and shoes.

Kahit hindi pa tapos ang mansyon nina Luis and Jessy ay kitang-kitang madugo ang pagpapagawa nito. Mayroon itong swimming pool, garden at huge parking area.

Sa first floor ng bahay ay may gym, spacious living room at dining area, kitchen at laundry room. Sa second floor naman ay nandoon ang master bedroom, guest rooms at kwarto ng anak nilang si Rosie.

Sobrang excited ni Luis habang nagtu-tour at looking forward siya na matirhan nila ng asawa’t anak.

“So more or less, a year or a year and a half (bago matapos). Konti na lang,” he said.

Sa susunod na update ay tapos na mismo ang bahay at si Jessy na ang magpapa-house tour.

Matatandaan na taong 2021 nang ibalita nina Luis at Jessy na nagpapagawa na sila ng dream house. ‘Yung dating bahay na tinitirhan nilang mag-asawa na ibinigay ni Vilma Santos bilang pamana ay pinatibag nila at pinatayuan ng isang bagong bahay. Kaya sa ngayon ay nagre-rent muna sila habang ongoing pa ang construction nito.