Phivolcs

Luzon niyanig ng magnitude 6.1 lindol

220 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 6.1 ang malaking bahagi ng Luzon ngayong araw ng Linggo, Mayo 22.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-5:50 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 18 kilometro sa kanluran ng Calatagan, Batangas at may lalim na 122 kilometro.

Nagbabala ang PHIVOLCS ang aftershock sa pagyanig na ito.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV- Calatagan, Batangas

Intensity III – Quezon City; Pasay City; Pasig City; Tagaytay City; Mendez, Amadeo at Alfonso, Cavite; Obando, Bulacan

Intensity II – Abucay, Bataan; Gapan City, Nueva Ecija; Castillejos, Zambales; Mandaluyong City; Manila City; Makati City; Tanay, Rizal

Instrumental Intensities:

Intensity IV- Puerto Galera, Oriental Mindoro

Intensity III- Plaridel, San Ildefonso at Malolos City, Bulacan; Guagua, Pampanga; Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro; Batangas City; Olongapo City, Zambales; Gumaca, Quezon

Intensity II- Talisay, Batangas; Mauban at Dolores, Quezon; Roxas at San Jose, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Gapan City; Nueva Ecija; Pandi at Marilao, Bulacan; Mulanay, Quezon; Las

Piñas City; Marikina City; Malabon City; Cabanatuan City

Intensity I- Los Baños, Laguna; Iba, Zambales; Pasig City; Quezon City; Tayabas, Polillo, Lopez, San Francisco at Lucban, Quezon; Baler, Aurora