Mabilog3

Mabilog ibinulgar planong idawit Drilon, Roxas sa iligal na droga

8 Views

ISINIWALAT ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa pagharap nito sa House Quad Committee noong Huwebes ang umano’y planong pagdawit kina dating presidential candidate Mar Roxas at dating Sen. Franklin Drilon sa bentahan ng iligal na droga noong administrasyong Duterte.

Si Mabilog ay kasama sa narco-list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya humingi ng asylum sa Estados Unidos at nanatili doon ng pitong taon.

Sinabi ni Mabilog na mayroong tumawag sa kanya at sinabi na gagamitin siya upang akusahan ang isang dating presidential candidate at isang dating senador na mga drug lords.

“The accusations against you are all fabricated, but if you go to Crame, you’ll be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords,” ayon pa kay Mabilog, sa natanggap na tawag.

Sa huli ay pinili ni Mabilog na hindi na umuwi ng bansa dahil sa pressure sa pulitika at maling akusasyon ni Duterte sa ilegal na droga.

Ang kanyang testimonya noong Huwebes ay nagbigay liwanag sa umano’y paggamit ng administrasyong Duterte sa narco-list sa mga kalaban sa pulitika.