Marites Lang

Machiavellian Din Ako

Marites Lang Mar 31, 2022
445 Views

machiavellianMAY nakapagtanong kay Presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung siya ay Machiavellian. Mahaba ang naging sagot niya at sa huli ay medyo tinumbok niya na oo daw naman. Pinag-aralan din niya ang mga insights ni Machiavelli at nakakagulat na merong mga nagreact nung sabihin niya na siya ay Machiavellian. Napaisip naman ang lola nyo siempre…bakit humahanash ang ilang netizens sa sagot niya? Himayin muna natin kung ano ang ibig sabihin nito.

Umpisahan natin ito sa tanong na sino daw si Niccolo Machiavelli? Para sa hindi makapag Google, eto siya. Isang Italyanong philosopher, diplomat, historian. Habang nanunungkulan sa Florentine Republic sa Italya, bilang diplomat at nanilbihan din sa military, nagsulat siya ng kwento na comedy, mga awitin at isa din siyang makata.

Meron din siyang sinulat na libro na may pamagat na The Discourses on Livy kung saan ginawa niyang mabigyan ng edukasyon ang mga nagaaral sa politika noong taong 1513 at sabi niya kailangang may political stability sa isang bansa. Agree ako jan to the max pero siempre meron pa ding hanash ang ibang magagaling at matatalinong mga nilalang. Mas gusto nila siguro madaming argumento at pagtatalo. Type nila political instability eh paano uunlad ang ekonomiya kung unstable ang gobyerno? Saang ring ni Dante”s Inferno sila inimport kaya?

Sinulat din ni Machiavelli ang aklat na The Prince. Dito niya sinabing ang pagkadalubhasa sa Art of War ay simula upang maging mahusay mamuno. Di ba naman? Ang mga libro niya ay bumilang ng mga 20 years bago napublish. Eto pa ang ilang panalita at gamit nito in general context:

“Hindi ang titulo ang nagbibigay ng karangalan sa mga honorableng tao kungdi ang honor ang nagbibigay ng hibla sa pagkatao nila”. Ang ibig sabihin kahit ang taas ng title ng isang tao, pag hindi naman maayos ang ugali at walang manners na tunay, waley pa din daw bilang pinuno o miyembro ng mataas na stratum ng society. Kumbaga, kung di ka makapagsalita at makakilos bilang miyembro ng polite society, wag ka mag ambisyon kasi di ka puedeng pinuno. E yung mga sobrang opinionated sa pambabash at ang mga ginagamit na salita ay barubal, pwede ba? Hindi daw kayo dapat mahanay sa kategorya ng mga pinuno. Sit, stay and drool if you must but keep the peace – sabi ko yun hindi kay Machiavelli.

“Kung kailangang gumamit ng malakas na pwersa, gawin mo subalit hindi dapat mahalata ang iyong motibo”. In short, di bale ipilit at gumamit ng kung anong powers na pwede sa situation basta hindi obvious na ikaw ang nasa likod ng eksena. Hanggang ngayon ginagawa ito ng mga Amerikano sa ekonomiya at sa world politics di ba? Kanya kanyang limitasyon kung hanggang saan ito uubra. Hindi sinabi ni Machiavelli yan Teh, personal note ko ‘yon.

“Malaking pagkakamali ang umasang walang parating na bagyo kapag banayad ang hangin at dagat”. Literal man o patalinghaga ito ay pwedeng iinternalize.

“Ang unang daan para mawalan ka ng iyong mga pagaari o estado ay ang pagkawala ng talino sa pakikipaglaban sang-ayon sa Art of War. Ang unang paraan para magkaroon ng isang estado o pagaari ay ang paggamit din ng talino sa Art of War”. In short, wag matulog sa pansitan at partey partey lang. Galingan ang pakikipagtunggali ng hindi halata. Lilinawin ko lang, ito ay sinulat niya para sa mga politico at mga leaders nila noon Teh! Kung call center agent at teacher naman ang propesyon ng babasa sa panahon ngayon, hindi po ito applicable sa inyo. Wag nyo gaano ito iinternalize kasi sinabi niya yan sa gitna ng mga kaguluhan sa Europa noong panahon niya. Gets nyo yun?

Ilan lamang sa mga sinabi sa aklat ni Machiavelli ang mga nabanggit ko. Napansin ko lang iniisip ng ilang mga tao na masama hangaan si Machiavelli. E yun ang paraan na nakita niya para manatiling matibay ang kanilang gobyerno noong panahon niya. Baka nga hindi niya alam na makakarating sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo ang mga libro niya. Bakit galit sa kanya yung ibang tao sa paligid natin? Hindi naman niya sinabing gamitin nyo ito ngayon.

Maraming kontrobersya sa mga nabanggit niya noon tulad ng “The end justifies the means”. Hindi naman gaano nililinaw ang context nito dahil noong early 1500s ay Renaissance Period sa Europa at iba ang kondisyon noon. Madaming patayan at digmaan noong panahon na yon sa lugar nila. Pero kung uunawain natin ang mga sinabi niya ay kahanga hanga din naman siya. Hindi ako apologist ni Machiavelli nililinaw ko lang. Ang gusto ko lang ipaalala ay hindi niya inisip na target audience kayo noong sinulat niya ang The Prince. Huwag niyo siyang husgahan dahil ang impluwensiya niya ay maaaring isang dahilan kung bakit ang mga Italian made items like shoes, bags, damit, wines, alahas at iba pa ay napaka ganda ng quality at maganda ang presyo sa merkado.

Maganda naman ang ekonomiya ng Italy ngayon at napreserve nila yung mga natural resources nila. Ang ibig sabihin hindi nila ginamit sa evil ways ang teachings ni Machiavelli di ba? Yung mga nakibasa sa teachings niya na evil ang iniisip na paggamit sa mga concepts niya e sadya marahil na merong evil seeds sa mind nila. Hindi niya itinuro na kumuha kayo ng armalite at barilin lahat ng di nyo type o sagabal sa mga ambisyon nyo. Ang sabi niya ay galingan nyo ang pagiisip nyo at kung talagang dapat pumatay ay wag magduda kasi nga nasa gitna sila ng digmaan noong Renaissance period. Mas hindi yata maganda ipayo niya na magpa-victim kayo. Ikinulong siya noong mga panahon na yun kaya di ko siya hinuhusgahan. Wala yata sa kultura ng mga italyano ang pamartyr. Pero sinabi din niya na galingan ang pagka lider at di yun masama. Josko kung personal ang pasok sa inyo ng mga sinabi niya e alalahanin natin ulit na hindi kayo ang target audience niya please lang naman. Kung feel nyo magpaapi choice nyo yun. Nakibasa lang tayo sa libro niya kaya wag masamain siya after more than 500 years.

At kung humanga man si Sir BBM sa mga pahayag ni Machiavelli, wala din tayo dapat judgement noh! Ako din humahanga kay Machiavelli. Marami namang pwedeng uriin at himayin sa sinabi niya sa libro niya. Subalit yung mga yun ay hindi gospel truth. Basahin lang at isipin ang mga givens nung time niya para makita yung talino at coping mechanism niya bilang diplomat noong panahon niya. Yung panay ang react at tumataas ang presyon kung sabihin na kahanga hanga si Machiavelli, e anong maintainance medicine na dapat kaya sa inyo? Pwede naming magpakalma ng konti sa beach siguro, pero kung kailangan talaga, me mga ospital naman at magagaling na doctor dito sa atin. Please lang huwag nyo agad sabihin na galit kayo sa mga pananalita ni Machiavelli at sa mga humahanga sa kanya kaya angry kayo. Baka mabigyan kayo ng straight jacket kasi parang pang basement yung ganon. Basta Peace on Earth lang at wag masyado magsaboy ng negatron statements please.