Romblon Lone

Madrona, optimistiko na lalo pang lalakas turismo sa kasunduan ng DOT, DOST

Mar Rodriguez Sep 3, 2024
29 Views

𝗢𝗣𝗧𝗜𝗠𝗜𝗦𝗧𝗜𝗞𝗢 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝘂𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧) 𝗮𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 (𝗗𝗢𝗦𝗧). 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺.

Bilang chairperson ng Committee on Tourism, malaki ang kumpiyansa ng kongresista na ang sinelyuhang kasunduan sa pagitan ng DOT at DOST ang inaasahang lalo pang magsususlong para lumakas ang turismo sa pamamagitan ng tinatawag na “science based innovations”.

Sabi ni Madrona, nabuo ang kasunduan nina Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco at DOST Sec. Dr. Renato Solidum, Jr. sa pamamagitan ng nilagdaan nilang Memorandum of Understansing (MOU) upang isulong ang Smart and Sustainable Communities Program (SSCP).

Pinapurihan din ni Madrona ang pagsisikap ni Frasco na maitatag ang isang “Muslim-friendly tourism” kung saan ang halal ang isa sa mga pangunahing sangkap para sa mga produktong turismo. Bilang pagkilala sa Kultura ng mga kapatid nating Muslim.

𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆