Calendar
Madrona: Papel ng PCG hindi lang taga billang ng mga pasahero o trabahong “skul bukol”
šš£šš”šššš¬šš š»š“ vš¶š°š²-cšµš®š¶šæšŗš®š» š»š“ šš¼ššš² šš¼šŗšŗš¶ššš²š² š¼š» š§šæš®š»šš½š¼šæšš®šš¶š¼š» šš® š¶šš®š»š“ š£š¹š²š»š®šæš š±š²šÆš®šš² šš® šš®šŗš®šæš® š±š² š„š²š½šæš²šš²š»šš®š»šš²š šøš®šš“š»š®š šš® šš¼ššš² šš¶š¹š¹ š”š¼. šš¬š“š°š (“šš» šš°š š¦ššæš²š»š“ššµš²š»š¶š»š“ ššµš² š£šµš¶š¹š¶š½š½š¶š»š² šš¼š®šš ššš®šæš± šÆš š¶š»ššæš¼š±šš°š¶š»š“ š£š¼š¹š¶š°š š®š»š± š¢šæš“š®š»š¶šš®šš¶š¼š»š®š¹ š„š²š³š¼šæšŗš) š»š® šµš¶š»š±š¶ š»š® ššæš®šÆš®šµš¼š»š“ “ššøšš¹ šÆššøš¼š¹” š¼ š½š®šš®šæš±š¶-šš®šæš±š¶ š®š»š“ šøš®šš®šøššøššš®š»š“ ššš»š“šøšš¹š¶š» š»š“ šš¼š®šš ššš®šæš± šøššŗš½š®šæš® šš® šŗš“š® š»š®šøš®š¹š¶š½š®š š»š® š½š®š»š®šµš¼š».
Ito ang binigyang diin ng Vice-Chair ng Committee on Transportation na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na ang kasalukuyang tungkulin ng PCG ay hindi na lamang taga bilang ng mga pasahero, taga-check ng mga barkong overloaded ng pasahero gaya ng pagkakakilala sa Coast Guard sa nakalipas na sampung taon.
Ang pahayag ni Madrona ay patungkol sa naging interpellation sa Plenaryo hinggil sa ginawang deliberasyon sa House Bill No. 10841 kung saan sinabi ng mambabatas na napakahalagang papel ang kasalukuyang ginagampanan ng PCG sa pamamagitan ng pagtitiyak nito ng maritime safety, maritime security partikular na ang maritime enviromental protection.
“Mr. Speaker, kung matatandaan niyo po noon or ten years ago. Ang pagkakakilala po natin sa Coast Guard ay taga clear lang ng barko, taga bilang ng mga pasahero at chine-check kung overloaded ang mga pashero. Ngayon po mayroon na rin silang trabaho to ensure martime safety, to ensure maritime security and more importantly to ensure environmental protection. Napakarami na pong trabaho ang ginagawa ngayon ng ating mga Coast Guard,” sabi ni Madrona sa kaniyang interpellation.
Nauna rito, tumayo si Madrona sa Plenaryo ng Kamara para isponsoran ang HB No. 10841 bilang Vice-Chairman ng Transportation Committee matapos nitong ipahayag sa kaniyang sponsorship speech ang pagsusulong at pagpapatibay (strengthening) sa modernisasyon sa PCG Law para epektibo nitong maisakatuparan ang kanilang mandato sa pangangalaga ng ating Philippine coastline.
Pagdidiin ng kongresista ng Romblon na napaka-imposible aniyang magampanan ng Coast Guard ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga karagatan sa bansa kung kulang at luma na ang kanilang mga kagamitan lalo na kung ang barkong ginagamit nila sa pagpa-patrolya ay kakarag-karag na.
Ayon kay Madrona, P5 billion ang magiging taunang budget ng PCG upang makatugon sila sa mga komplikadong sitwasyon habang nagpa-patrolya sila sa mga karagatan partikular na sa West Philippine Sea (WPS).
“It is my honor to sponsor House Bill No. 10841. This Bill seeks for the revision of Republic Act No. 9993 or the PCG Law of 2009 to strengthen the PCG by introducing organizational reforms in order to make it more responsive in the execution of its mandate on maritime safety, maritime security and maritime environmental protection,” wika ni Madrona sa kaniyang sponsorship speech.
š§š¼ šš¼š± šÆš² ššµš² šš¹š¼šæš