Madrona

Madrona pinangunahan ang pagbubukas ng Romblon Provincial Athletic Meet 2025

Mar Rodriguez Feb 5, 2025
120 Views

Madrona1Madrona2BILANG Kinatawan ng kanilang lalawigan. Pinasinayahan ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pormal na pagbubukas ng “Romblon Provincial Athletic Meet 2025” na ginanap sa Munisipalidad ng Odiongan kung saan ipapamalas ng mga Romblomanon ang kanilang talento sa larangan ng palakasan.

Sa kaniyang mensahe, ipinaalala ni Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, sa mga kalahok na manlalaro at coaches na kailangan nilang pairalin ang ‘sportsmanship” sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang husay sa sports.

Gayunman, sinabi ni Madrona hindi dapat makalimutan ng mga atleta at coaches ang pagiging mahinahon at huwag magpapadala sa simbuyo ng kanilang emosyon sa kasagsagan ng kanilang mga laro sa pamamagitan ng pagpapanatili sa prinsipyo ng “camaraderie”.

Ayon sa kongresista, ang nasabing sports event ay lalahukan ng mga manalalaro mula sa iba’t-ibang Munisipalidad sa buong lalawigan kung saan magtatagisan sila ng kanilang angking talento at husay sa palakasan habang kailangan nilang panatilihin ang sports discipline.

“The event marked the beginning of a week-long celebration of athletic skills and camaraderie across the province with participants from various municipalities competing in a range of sports discipline and medals awarded to the top-performing schools,” sabi ni Madrona.

Samantala, sinuportahan ni Madrona ang naging panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na mas lalo pang patatagin ang ugnayan ng mga bansa para sa mas matatag na ekonomiya at responsableng pamamahala.