Vic Reyes

Magbabakasyon ngayong Holy Week baka mapabawasan dahil sa oil price hikes

Vic Reyes Mar 15, 2026
185 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay.

Lalo na sa mga kababayan natin na nasa Gitnang Silangan na apektado ng giyera. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Mag-iingat kayo diyan.

God bless sa inyong lahat!

***

Kung magtatagal pa ang giyera sa pagitan ng Estados Unidos, Israel at Iran ay siguradong ang Pilipinas ang isa sa mga mahihirapang bansa.

Huwag natin kalimutan na kabilang tayo sa mga bansang heavily-dependent on imported oil mula sa magulong Gitnang Silangan. Maraming bahay-kalakal ang mahihirapan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng oil price increases.

Baka nga may mga magsara pang kompanya, kasama na ang mga importador. Ang iba naman ay magbabawas ng importasyon.

Siyempre, dito adversely affected ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Walang magagawa sina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno dahil talaga namang naka-depende ang koleksyon ng ahensya sa volume at value ng imported goods.

Kung kakaunti ang importasyon, kaunti rin ang buwis, taripa at ibang bayarin na papasok sa kaban ng BOC, na dating kilalang graft-ridden na government agency.

Kaya nga sa aduana, dapat maganda ang working relationship ng mga taga-BOC, importers at licensed customs brokers.

Sa totoo lang, sila’y hindi mga magkalaban kundi “partners in nation-building.”

Ang kalaban ng gobyerno at mga lehitimong importer ay ang mga ismagler dahil hindi sila nagbabayad ng buwis, taripa at iba pang bayarin.

Apektado talaga ang legitimate importers dahil mas nabibili ang mga paninda ng mga ismagler dahil mura ang mga ito.

Kaya nga dahil din sa ismagling ng agricultural products, umaaray ang mga lokal na magsasaka.

Ang iba nga ay nag-aabroad na lang at ang iba naman ay naghahanap na ng ibang trabaho sa Metro Manila.

Ganyan ang perhuwisyong dulot ng mga ismagler!

***

Mula Enero 1 hanggang Marso 6 ay nakakumpiska ang Bureau of Customs (BOC) ng illicit cigarettes at tobacco products na nagkakahalaga ng mahigit P2 bilyon.

Ang mga sigarilyo at produktong tabako ay nakumpiska sa ginawang 127 successful cigarette-related interdictions sa buong bansa.

Ang interdiction operations ay isinagawa ng BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sa tulong ng partner-agencies nito.

Noon ngang Marso 13 ay pinangunahan ni Commissioner Nepomuceno ang inspeksyon ng illicit cigarettes na nagkakahalaga ng P235 milyun sa Batangas.

Galing ng United Arab Emirates (UAE), ang mga sigarilyo na may tatak na MAC Super Slim Ice Cool ay bound for Port of Batangas.

Ang mga pakete ng mga sigarilyo ay walang nakatatak na “Graphic Health Warnings” at wala ding Bureau of Internal Revenue (BIR) stamp.

Kaagad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa shipment si Port of Batangas District Collector Carmelita “Mimel” M. Talusan dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 10643 at National Internal Revenue Code of the Philippines.

Sinabi ni Collector Talusan na patuloy ang kampanya laban sa illicit cigarette smuggling bilang pagtupad sa utos nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Commissioner Nepomuceno.

Lahat ng ports of entry sa buong bansa ay “under orders” para lalong paigtingin ang border security efforts” para matigil ang ismagling.

***

Sa Marso 29 ay magsisimula na ang Mahal na Araw (Holy Week) dito sa bansa.

Ito ay magsisimula sa Palm Sunday (Araw ng Palaspas), kung kailan gugunitain ng mga Kristiyano ang “triumphant entry of Jesus Christ into Jerusalem” more than 2,000 years ago.

Sa Holy Week, gabi ng Miyerkules Santo, ay simula na ang exodus ng mga residente ng Metro Manila papunta ng kani-kanilang probinsiya.

Apat na araw kasi ang walang pasok sa mga opisina(Maundy Thursday hanggang Easter Sunday).

Pero baka hindi kagaya ng mga nakaraang “Holy Week,” mababawasan siguro ang mga magbabakasyon sa mga probinsiya dahil sa nangyayaring oil price hikes.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484).