Calendar
Sinisiyasat ni Police Capt Dennis Turla ang report kaugnay sa pamamril sa isang online seller sa San Andres Bukid Manila..
Magbebenta ng tela binalot ng bala, patay
PATAY ang online seller matapos pagbabarilin ng rider-gunman na nakatakas sa Dagonoy corner Radium St., San Andres Bukid, Manila noong Martes.
Nakilala ang biktima na si alyas Kyle, 28, ayon sa report. Dinescribe ang gunman na naka-short pants, pulang windbreaker, tsinelas at naka-crash helmet na pula.
Ayon sa report ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-5:10 ng hapon ang pamamaril sa biktima habang naglalakad patungo sa Radium St.
Pagsapit niya sa Dagonoy St., biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril siya sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Sumakay ang suspek sa kanyang motorsiklo at tumakas patungo sa A. Francisco St. matapos ang pamamaril.
Nakatakda sanang makipagkita ang biktima sa isang buyer ng mga tela na kanyang ibinebenta online.

