Diokno

Magiging miyembro ng Gabinete ni BBM aprub sa BAP

265 Views

APRUB sa Bankers Association of the Philippines (BAP) ang pagkuha ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kina Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno at Monetary Board member Felipe Medalla.

Ayon kay BAP president Antonio Moncupa Jr. mayroong sapat na kakayanan at kilala bilang magaling na ekonomista sina Diokno at Medalla na naglingkod na sa iba’t ibang administrasyon.

Sinabi ni Marcos na itatalaga nito si Diokno bilang Finance Secretary at si Medalla naman ang papalit dito sa BSP.

Si Diokno ay dating kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) bago itinalaga ni Duterte sa BSP.

Si Medalla naman ay miyembro ng Monetary Board mula noong Hulyo 2011 at itinalaga sa puwesto ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Siya ay muling itinalaga sa kaparehong puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Siya ay dati ring kalihim ng Socio-Economic Planning at director-general ng National Economic and Development Authority mula 1998 hanggang 2001 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada.