Phivolcs

Magnitude 5.3 lindol yumanig sa Leyte

Jun I Legaspi Mar 21, 2022
234 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang malaking bahagi ng Visayas ngayong Lunes ng umaga.

Sa inilabas na update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-12:39 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 10 kilometro sa kanluran ng bayan ng Burauen. May lalim itong apat na kilometro at tectonic ang origin.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Burauen, Ormoc City, Kananga, La Paz, Julita, at Pastrana, Leyte

Intensity IV – Dulag, Santa Fe, Barugo, Abuyog, Palo, Tolosa, Capoocan at Baybay City, Leyte; Tacloban City

Intensity III – Cebu City at Talisay City, Cebu; Lawaan, Eastern Samar; Leyte, Leyte; Biliran, Biliran

Intensity II – Borongan City at Taft, Eastern Samar; Naval, Biliran

Instrumental Intensities:

Instensity V – Ormoc City

Intensity IV – Abuyog at Palo, Leyte

Intensity III – Alangalang at Carigara, Leyte; Sogod, Southern Leyte

Intensity II – Calubian, Leyte; San Francisco, Cebu

Intensity I – Lapu-lapu at Argao City, Cebu