Phivolcs

Magnitude 6.4 lindol yumanig sa Cagayan

139 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 6.4 ang yumanig sa hilagang bahagi ng Luzon gabi ng Martes, Setyembre 12.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-7:03 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 26 kilometro sa kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan. May lalim itong 10 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV- Sinait, ILOCOS SUR

Instrumental Intensities:

Intensity IV – Aparri, Gonzaga, CAGAYAN; Laoag City, ILOCOS NORTE
Intensity III – Penablanca, CAGAYAN; Sinait, Vigan City, ILOCOS SUR
Intensity II – Ilagan, ISABELA
Intensity I – Casiguran, AURORA; Candon, Narvacan, Tagudin, ILOCOS SUR;