Magsasaka Nagbibigay ng mensahe si MAGSASAKA Party List Cong. Robert Nazal, Jr. sa harap ng mga magsasaka sa ginanap na “Visayas wide territorial and strategic planning” sa Bacolod City.

MAGSASAKA Party List Group nangakong pag-iibayuhin, paiigtingin agri sektor sa Visayas 

Mar Rodriguez Dec 12, 2022
183 Views

TINIYAK ngayon ng MAGSASAKA Party List Group sa mga magsasaka mula sa Western, Central at Eastern Visayas na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang lalo pang pag-ibayuhin at paigtingin ang sektor ng agrikultura sa nasabing rehiyon.

Pinangunahan ni MAGSASAKA Party List Cong. Robert Nazal, Jr. ang Visayas-wide territorial and sectoral “strategic planning” na ginanap sa lalawigan ng Bacolod City. Kasama ang mga magsasaka mula sa mga nabanggit na rehiyon kaugnay sa mga hakbang na kinakailangan gawin upang lalo pang mapagbuti ang kalagayan ng agricultural sector.

Sinabi ni Nazal na sinusuportahan ng MAGSASAKA Party List Group sa Kamara de Representantes ang ginagawang pagsisikap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang lalo pang ma-improve o mapabuti ang “food security” ng bansa sa pamamagitan ng pagsusulong sa tinatawag na “competitiveness” ng sektor ng agrikultura.

“We support the efforts of the Marcos administration to improve food security by boosting the competitiveness of the agricultural sector and empowering our famers,”ayon kay Nazal.

Nabatid sa kongresista na ang ginanap na okasyon ay dinaluhan ng mga lider ng MAGSASAKA Party List Group mula sa iba’t-ibang siyudad, mula sa munisipalidad ng Iloilo, Guimaras, Negros Oriental, Aklan at mula din sa mga kapalit na lalawigan.

Kasabay nito, nagpahayag din ng solido at matibay na suporta ang mga territorial at sectoral leaders ng MAGSASAKA Party List Group para kay Nazal sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang katapatan o loyalty at suporta para sa nasabing Party List Group.