Marijuana nakuha sa lalaking patay mula sa flyover
Apr 10, 2025
Mahal na Araw dapat paghandaan–LTO chief
Apr 10, 2025
Calendar

Nation
Mahahalagang programa ng DepEd pinapopondohan ni PBBM
Chona Yu
Jan 17, 2025
156
Views
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na mapopondohan ang mga mahahalagang programa ng Department of Education.
Utos ito ni Pangulong Marcos matapos matapyasan ang pondo ng DepEd.
Sa pulong sa Malakanyang, napuna ni Pangulong Marcos ang budget gaps sa DepEd at nangangamba na lumala ang problema ng bansa sa kakapusan ng mga guro.
“We have to be able to show that that’s (education) the priority,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nasa P737 bilyon ang pondo ng DepEd ngayong taon, mas mababa sa panukalang budget na P748 bilyon.
Nabatid na ang tinapyas na pondo ay para sa paglikha sa mga bagong school personnel positions, Basic Education Facilities Fund (BEFF), at implementasyon ng DepEd Computerization Program (DCP).