Lopez

Mahigit 148,000 estudyante naayudahan ng DSWD

397 Views

MAHIGIT 148,000 mahihirap na estudyante na ang nabigyan ng financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez nagkakahalaga ng P376.5 milyon ang naipamahaging educational assistance ng ahensya mula noong Agosto 20.

Noong Sabado, umabot sa 70,892 estudyante ang nabigyan ng tulong at nagkakahalaga ito ng P179.1 milyon.

Sinabi ni Lopez na naging mas maayos na rin ang pamimigay ng ayuda at naiwasan ang siksikan gaya ng naranasan noong unang araw ng pamimigay.

Ipinagbawal na rin ng DSWD ang walk-in at tanging ang mga nakatanggap lamang ng text message ang inaasikaso.