Calendar
Mahigit 1M boto ilalamang nina BBM, Duterte sa Cebu—Gov. Garcia
MAHIGIT sa isang milyong boto umano ang ilalamang nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte sa kani-kanilang kalaban sa Cebu.
Ayon kay Cebu Gov. Gwen Garcia kung nagawa nila ito para kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004 at Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ay mas madali nila itong magagawa para kina Marcos at Duterte.
Sinabi ni Garcia na mas buo ngayon ang mga lokal na opisyal ng Cebu sa likod ng tambalan nina Marcos at Duterte kumpara noong 2004 at 2016.
“Ngayon I’m governor, the mayor of Cebu City, the mayor of Lapu-Lapu City, the mayor of Mandaue city and I representing 44 towns and six component cities have now thrown our support behind the UniTeam so kaya for the first time, we have this One Cebu island phenomenon,” sabi ni Garcia.
Dagdag pa umano dito ang mataas na rating ng dalawa sa mga pre-election survey.
Tinatayang 300,000 katao ang pumunta sa campaign rally na inorganisa ng One Cebu na pinamumunuan ni Garcia para sa BBM-Sara UniTeam.