Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Mahigit P1.2B halaga ng cash assistance, serbisyo dala ng serbisyo caravan sa Davao City

148 Views
Gabonada1
Sofonias Gabonada, Jr., ang namumuno sa BPSF National Secretariat at House Deputy Secretary General

MAHIGIT P1.2 bilyong halaga ng programa, serbisyo at cash assistance ng pamahalaan ang ipagkakaloob sa mga residente ng Davao City at mga kalapit nitong lugar sa pagbisita ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ang pinakamalaking serbisyo caravan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa pagbabalik ng BPSF sa Davao region sa ikatlong pagkakataon, ang Davao City ang bibisitahin ng BPSF sa Setyembre 5 at 6 dala ang mga serbisyo ng 38 ahensya ng pamahalaan dala ang 57 programa at serbisyo kasama ang nasa P1 bilyong tulong pinansyal para sa may higit 250,000 benepisyaryo.

Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang dadalo sa paglulunsad ng Davao City BPSF, bilang kinatawan ni Pang. Marcos Jr. ngayong Huwebes.

Inaasahan na dadalo sa paglulungsad ng BPSF ang halos 200 miyembro ng Kamara de Representantes.

Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng BPSF National Secretariat at Mindanao Development Authority (MinDA). Tatawagin itong “MindaNOW: Serbisyo Para sa Mindanao.”

“Nakikita namin na very important and critical partner ang MinDA dahil sila ang makaka-guide sa amin kung saan namin ina-navigate itong Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa far as Mindanao is concerned,” saad ni Sofonias Gabonada, Jr., ang namumuno sa BPSF National Secretariat at House Deputy Secretary General sa isang press conference kasama si MinDA Secretary Leo Magno Miyerkules ng hapon.

Naging posible rin ang pagkakasa ng Davao City BPSF sa tulong nina Rep. Claudine Diana D. Bautista-Lim ng DUMPER PTDA Partylist, Rep. Atty. Margarita B. Nograles ng PBA Partylist, Rep. Sandro L. Gonzalez ng MARINO Partylist, at Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre ng TINGOG Partylist.

Nagpasalamat naman si Sec. Magno kay Pangulong Marcos, Jr., Speaker Romualdez, mga mambabatas, at makikibahaging ahensya, at lahat ng tumulong sa pagdadala ng BPSF sa Davao City.

“We would like to extend our thanks to the City Government of Davao for providing us with security and traffic management assistance,” dagdag ni DSG Gabonada, na ibinahagi na may may dumalong opisyal ng pamahalaang lungsod ng Davao sa lahat ng pulong ng BPSF at MinDA para sa serbisyo caravan

Bahagi ng serbisyo ang patuloy na payout sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development sa buong lungsod ng Davao sa mga susunod na linggo

Bukod dito, magkakaroon din ng payout sa mga benepisyaryo ng Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)Program ng Department of Labor and Employment.

Sa loob in ng dalawang araw ay mamamahagi rin ng kalahating milyong kilo ng bigas sa lahat ng benepisyaryo sa lahat ng event.

Ang Davao City BPSF ang ika-23 sigwada ng seribisyo caravan sa bansa.

Ang unang BPSF ay naganap sa Monkayo, Davao de Oro na naganap sa nationwide launch noong Setyembre 2023 na sinundan noong Hunyo 2024 sa Tagum City, Davao del Norte.