Dan Fernandez Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez

Makapangyarihang tao nasa likod ng malaking sindikato ng POGO, ilegal na droga at EJK — Fernandez

76 Views

SA pagpapatuloy ng pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes, sinabi ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez na natuklasan sa imbestigasyon ang isang network ng mga “makapangyarihang tao” na nasa likod ng magkakaugnay na operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO), sindikato ng ilegal na droga, extrajudicial killings at iba pang mga krimen.

Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Fernandez na dismayado ito dahil ang mga pangunahing personalidad na nasa likod ng malaking sindikato ng POGO ay patuloy na nakakaiwas sa batas.

“By now, there can be no doubt in anyone’s mind that powerful people are behind this large-scale, multibillion-peso criminal enterprise involving drug trafficking, POGOs and extrajudicial killings,” ayon kay Fernandez, chairman ng House committee on public safety.

“The fact that several key personalities of POGO corporations have managed to evade the long arm of the law speaks volumes of the power they wield and the resources at their disposal,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Fernandez na napatunayan sa imbestigasyon ng komite na ang mga Chinese nationals ay nakakuha ng Filipino citizenship sa pamamagitan ng pamemeke at nakabili ng malalawak na lupain sa pamamagitan ng mga negosyong nagpapanggap na pagaari ng mga Pilipino.

“In the course of our inquiry, I believe that one thing will eventually be made clear: that drug money is the source of POGO money, and that POGO money is a source of criminal activities, including EJKs,” saad pa nito.

Sinagot naman ni Fernandez ang mga nagaakusa sa quad committee na ginagamit lamang ang isyu para sa pulitika, lalo na’t nagsimula at lumaganap ang POGO sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak din ng mambabatas na hindi nila ititigil ang imbestigasyon, kahit sino pa ang madamay.

“Hindi natin maiisantabi ang mga pangyayaring naganap sa nakaraang administrasyon ay patuloy nating nararamdaman sa kasalakuyang panahon. Akusahan man tayo na ang lahat ng ating ginagawa sa mga komiteng ito mula noon hangang ngayon at pagiimbestiga ng iba-ibang personalidad na natutukoy ng ebidensya at pangyayari ay may bahid politika,” giit pa nito.

“Be that as it may, this quad committee will not stop, we will not even blink, we will not be affected,” ayon pa sa kongresista.

Sinabi pa niya na kahit idineklara ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbawal ng POGO na binanggit sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ay patuloy pa ring namamayagpag ang operasyon ng mga ito.

Noong Agosto 31, sinalakay ng mga otoridad ang POGO hub sa Lapu-Lapu City sa Cebu kung saan 160 ang Indonesian, Chinese at Burmese nationals na naaresto.

“Sa pangyayaring ito ating makikita na mataas ang posibilidad ng paglaganap ng mga ilegal na POGO sa kabila ng ban na iniutos ng ating Pangulo,” ayon kay Fernandez.

“Ang mga POGO operators ay nakapaglabas na ng bilyon-bilyong piso para sa pagtakbo ng kanilang negosyo sa ating bansa. Nakita natin na gagawin nila ang lahat, legal man o ilegal, upang mabawi ang kanilang inilabas na pondo. Well-funded sila at nakita natin na kayang-kaya nilang lusutan ang ating mga awtoridad,” dagdag pa niya.

Binanggit din niya ang ilan sa mga makapangyarihang tao na nasa likod ng mga POGO, tulad ni Hongjiang Yang, ang kapatid ni Michael Yang, na dating economic adviser ni dating Pangulong Duterte. Iniuugnay rin niya si Hongjiang Yang kay Alice Guo, na kilala rin bilang Guo Hua Ping, pati na rin kay Yu Zheng Can, isang operator ng POGO, at Gerald T. Cruz ng Brickhartz Technology, na isang service provider para sa POGO.

“These links alone do not mean that they are involved in illegal activities. And that is the reason why, at the proper time, I shall seek a motion to invite several key personalities to the succeeding hearings, and it will be up to them whether to use the opportunity to air their side of the issue,” paglilinaw pa ni Fernandez.

Tiniyak naman ni Committee on dangerous drugs chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nakatuon ang quad committee sa pagsisiyasat ng koneksyon ng EJK, ang ugnayan sa pagitan ng malaking sindikato at mga opisyal ng gobyerno sa drug trade, at ang mga kriminal na aktibidad na may kinalaman sa mga POGO.

“In our previous hearings, serious allegations came to light. Witnesses claimed that former President Rodrigo Duterte was directly involved in the execution of Chinese drug personalities while they were detained in Davao,” ayon pa sa pahayag ni Barbers sa kaniyang opening remarks.

“Such accusations, if proven true, reveal a systematic abuse of power and a deliberate elimination of individuals for financial gain, all under the pretext of maintaining public order,” dagdag pa nito.

Sa panig naman ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, chair ng Committee on human rights, ang mga nakalap na testimonya ng quad committee ay malinaw na nagpapakita ng koneksyon sa pagitan ng mga POGO, illegal drug trade at EJK.

“The testimonies we have heard clearly illustrate the interconnectedness of wrongdoing, the domino effect of sin – of how evil begets evil. Kaya akma po na ang magiging focus ng ating hearing ngayon ay POGO; dahil dati, maraming nagsabi na hindi naman ito nakakasama. The gamblers are not Filipinos. Hindi mga kababayan natin ang nakokorap,” ayon kay Abante.

“But as we have discovered, this is simply not true. We have learned that the impact of gambling does not stop with the individual gambler. The money earned from POGOs, we have learned, supports and leads to other forms of wrongdoing. Fraud. Prostitution. Money laundering. Corruption!” dagdag pa nito.

“Hindi lang ‘yun. May testigo tayo, si Lt. Col. Jovie Espenido, who informed us that drug and POGO money was used to fund the quota system in the previous administration’s war on drugs that resulted in thousands of deaths,” aniya.

“Sana po, in the course of our hearings, we can all finally open our eyes to the fact that the evil of gambling extends far beyond personal sin: it is a societal evil, one that can corrupt our country and destroy lives,” dagdag pa ni Abante.