Calendar
Maliliit na negosyo na pinadapa ng pandemya tutulungan ni PBBM
TUTULUNGAN ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga maliliit na negosyo na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang pagsasalita sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) Summit 2022 na isinagawa sa Manila Hotel, kinilala ni Marcos ang kahalagahan ng mga maliliit na negosyo sa muling pagbangon ng ekonomiya, paglikha ng mapapasukang trabaho, at pagbawas sa kahirapan.
Tiniyak ni Marcos na magiging prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagtulong sa mga MSMEs.
“I assure you that the revitalization of MSMEs is among the administration’s top priorities. I reiterate the government’s full commitment to work hand in hand with all stakeholders to make certain that MSMEs are protected and provided with ample opportunities, not only to recover from these extraordinary times but to grow and thrive in this modern age,” sabi ni Marcos.
Sinabi ni Marcos na naging malaking hamon ang nakalipas na dalawang taon pero ipinakita rin nito kung gaano katatag ang bansa.
“Now is the time to come up with these pandemic-proof strategies that will allow our businesses to take wing and serve its consumer base with quality products and services,” dagdag pa ng Pangulo.