Malolos-Clark segment ng NSCR project 48% ng tapos

126 Views

NASA 48.08 porsyento na ang overall progress rate ng Malolos-Clark segment na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) patuloy ang paggawa sa proyekto.

Kapag natapos ang 53-km Malolos-Clark Railway Project, inaasahang magiging 30 minuto na lamang ang biyahe mula at patungong Malolos, Bulacan at Clark International Airport (CRK), mula sa kasalukuyang isa at kalahating oras.

Nasa 340,000 pasahero ang kaya maserbisyuhan ng proyekto kada araw.

Tampok din sa proyekto ang state-of-the-art facilities, gender equality and social inclusion (GESI) features, at ang kauna-unahang airport express ng bansa.

Kamakailan ay binisita ni United States (US) Senator Tammy Duckworth, kasama sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista, Asian Development Bank (ADB), at iba pang public at private partners ang proyekto.