Tingog

Alagang Tingog Center binuksan sa Manapla, Negros Occidental

107 Views

ISANG Alagang Tingog Center (ATC) ang binuksan sa bayan ng Manapla, ang ikatlong center sa Negros Occidental.

Naging posible ang pagbubukas ng ATC sa pagtutulungan ng mga tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Tingog Partylist Representatives Cong. Yedda Marie K. Romualdez, at Cong. Jude A. Acidre katuwang ang Office of the Presidential Assistance in Visayas.

Bukod sa pagbubukas ng ATC at namigay din ng ayuda sa may 1,000 benepisyaryo. Nakatanggap ang mga ito ng tig-P5,000.

Dumalo sa pagbubukas ng ATC sina Negros Occidental, 2nd District Rep. Thirdy Maranon, Mayor Manuel M. Escalante III, at Mikaela Socorro L. Escalante na nagpasalamat sa suporta ng Tingog.

Nagpasalamat naman si Rep. Yedda Romualdez sa mga tumulong upang maging posible ang pagbubukas ng panibagong sangay ng ATC.

Sinabi ni Rep. Yedda Romualdez na ang ATC ay naglalayong ilapit sa publiko ang mga serbisyong ibinibigay ng gobyerno.

“Musilbi kami sa inyo,” ani Rep. Yedda Romualdez na ang kahulugan ay “We will serve you.”