PHIVOLCS

Batanes niyanig ng magnitude 5.4 lindol

82 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang yumanig sa Batanes noong Linggo, Agosto 13.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol alas-9:43 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 42 kilometro sa kanluran ng Sabtang at may lalim na 48 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Sabtang, BATANES

Intensity IV – Basco, Mahatao, Ivana, at Uyugan, BATANES

Intensity III – Itbayat, BATANES

Instrumental Intensity:

Intensity I – Pasuquin, ILOCOS NORTE