Dy

Mambabatas: Epekto ng mga kalamidad ibsan

Mar Rodriguez Sep 26, 2022
229 Views

HABANG iniinda pa ng bansa ang napakalaking sakuna na idinulot ng “Super Typhoon Karding”. Nananawagan ngayon ang isang mambabatas sa liderato ng Kongreso para agarang talakayin ang dalawang panukala na naglalayong maibsan ang matinding epekto sanhi ng mga “natural calamities” sa darating na hinaharap.

Sinabi ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V na bagama’t malaki ang nagawang tulong ng kabundukan ng Sierra Madre upang hindi masyadong maramdaman ng mamamayan ang banta ng malakas na hangin at ulan dulot ng Super Typhoon Karding.

Subalit iginiit ni Dy na maaaring hindi na ganito ang maging susunod na kaganapan sakaling may panibagong bagyo o Super Typhoon ang muling sumalanta o manalasa sa Pilipinas.

Dahil dito, hinihikayat ni Dy ang liderato ng Kamara de Representantes na “i-prioritize” ang lahat ng panukalang batas na naglalayong tugunan ang problema ng bansa kaugnay sa “climate crisis” at ang malaking epekto na idinudulot nito sa mamamayan.

“We dodge a bullet because Sierra Madre once again protected us from the threat of wind and rain. I urged the leadership of the House of Representatives to prioritize all Bills that seek to address climate crisis and its effect on our people,” sabi ni Dy.

Sinabi din ng kongresista na isinulong niya sa Mababang Kapulungan ang House Bill No. 1214 na naglalayong magkaroon o magtatag ng tinatawag na “Sierra Madre Conservation Development Authority” (SMCDA).