Tarriela

Mambabatas nagpasalamat sa ERC

Mar Rodriguez Nov 21, 2022
273 Views

PINASALAMATAN ng isang kongresista ang Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa ginawa nitong pagresolba sa malaon na nilang problema kaugnay sa kakulangan ng sapat na supply kuryente o “power crisis” sa kanilang lalawigan.

Inihain ni Occidental Mindoro Lone Dist. Cong. Leody “Odie” Tarriela ang kaniyang House Resolution No. 34 sa Kamara de Representates na humihiling sa House Committee on Energy na magkaroon ng imbestigasyon hinggil sa problema ng kuryente sa kanilang lalawigan.

Dahil dito, nagsagawa ng pagdinig ang Energy Committee hinggil sa inihaing resolution ni Tarriela. Kung saan, ipinatawag ng Komite ang mga opisyales ng ERC para magpaliwanag tungkol sa power crisis sa Occodental Mindoro alinsunod sa reklamo ni Tarriela.

“My office has spent an enormous amount of time, resources, effort and energy, towards solving this singular problem. Ako ay nagpapasalamat sa ERC. Sa kanilang Sept. 21 Order, nilinaw ng ERC na ang Napocor UC-ME, at hindi ang OMECO, ang magbabayad ng sinisiningil ng aming power provider, ang OMCPC, na unpaid 258 Million Pesos na subsidy. Maraming salamat at tumugon ang ERC sa aking panawagan, dahil hindi naman talaga OMECO ang papasan nito, kundi ang mga kawawa at walang kasalanang consumer-members ng Oksi.”, said Tarriela.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na: “The island of Mindoro (made up of Oriental and Occidental Mindoro provinces) is an off grid and electricity missionary area. As such, the cost of its power is more expensive than the rest of the country which are connected to the National Grid Corporation of the Philippines. A fraction of the cost of its power is subsidized by the Universal Charge for Missionary Electrification Areas (UC-ME) fund of the Napocor”.

“Napakadalas mag-shutdown ng OMCPC ng kanilang planta. Ang kanilang dahilan ay walang silang pambili ng krudo dahil sa baon sila sa utang ng OMECO. Ngayon malinaw na walang utang ang OMECO. Ang Napocor ang magbabayad sa 258 Million na utang. Garantisado itong mababayaran. Bilang mga negosyante, obligasyon ng OMCPC ang gumawa ng paraan sa kanilang puhunan, bumili ng krudo at paandarin 24-7 ang kanilang planta”, ayon pa kay Tarriela.
_______________________