PCSO

Mananaya sa Las Piñas nanalo ng P53.9M sa Mega Lotto 6/45

154 Views

ISANG mananaya sa Las Piñas ang nanalo ng P53.9 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 sa bola noong Lunes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 06-17-40-45-39-13.

Nanalo naman ng tig-P52,000 ang 40 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P1,000 naman ang 1,552 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang 25,998 mananaya na nakatatlong numero.