Calendar

Manila namimigay ng pension, allowance
TULOY hanggang Biyernes ang pamamahagi ng Manila ng allowance ng mga estudyante sa Universidad De Manila (UDM), ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna.
Nauna nang natanggap ng 2,217 na mga estudyante ng UDM ang kanilang P2,000 allowance para sa dalawang buwan habang ang hindi pa nakakatanggap makakahabol pa hanggang sa Biyernes.
“UDM students who were unable to claim their payouts, about 127 of them as of yesterday, can still do so until Friday,” pahayag ng alkalde.
Nauna ng natanggap ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynil (PLM) ang kanilang P2,000 allowance para sa dalawang buwan na nakadeposito sa kani-kanilang debit cards habang in-person payout naman para sa mga estudyante ng UDM.
Ini-anunsiyo na rin ni Mayor Lacuna ang pagsisimula ng pamamahagi ng P3,000 pensyon sa mga senior citizen sa Lunes na katumbas ng tatlong buwang pensiyon dahil mula sa P500 dinoble na niya ito simula Enero 2025.