Marcos admin lalabanan fake news ng digital media literacy

452 Views

DIGITAL media literacy ang ilalaban ng administrasyong Marcos sa fake news.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit mahalaga na mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko upang malaman ng mga ito ang fake news sa hindi.

“Backed by the budgetary support from the Philippine Congress and its confidence in the leadership of the PCO, we took the opportunity to develop mechanisms through which we can bring the online experiences of females of all ages into focus,” ani Maralit.

Si Maralit ay isa sa ipinadala sa CyberSafe Against Fake News: Being Smart, Being Safe and Staying Ahead! Ensuring Women and Girls a Safe Online Experience, na isang side event sa 67th Session ng United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) na ginanap sa UN headquarters sa New York.

Ayon kay Maralit inatasan ng Kongreso ang PCO upang tugunan ang pagpapakalat ng maling impormasyon lalo na sa digital landscape.

“The PCO, therefore, is positioning itself as a pillar that upholds the rights and welfare of women and girls through a Digital Media Literacy Campaign that will focus on our most vulnerable communities,” ani Maralit.

“Taking a context-based and factual grassroots approach, we intend to reach out to, and equip, these communities with knowledge and skills and tools that will enable them to be discerning of the truth as they engage in various social media channels and platforms,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Maralit makikipag-ugnayan ang PCO sa pribadong sektor kasama na ang broadcast industry upang makalikha ng mekanismo laban sa fake news.

Gagawa rin ng mga hakbang ang PCO upang magkaroon ng kakayanan ang publiko na kilalanin ang peke, hindi kompleto, at maling impormasyon.

“We will work to improve the citizenry’s ability to think critically and analyze information. The first step towards this end is identifying reliable and credible sources of information,” sabi pa ni Maralit.