Calendar
Marcos admin maagang isinumite panukalang 2025 national budget— SDS Gonzales
PINURI ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa maagang pagsusumite sa Kamara de Representantes ng panukalalng badyet para sa 2025.
“President BBM is presenting his proposal three weeks ahead of his one-month constitutional deadline to do so. This will give the House of Representatives enough time for budget deliberations,” ani Gonzales.
Ayon sa Konstitusyon, may 30 araw ang Pangulo, mula sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso upang isumite ang panukalang badyet para sa susunod na taon.
“As far as I know, during my long years in Congress, PBBM is the only President who submits his budget proposal way ahead of his deadline. That speaks volumes about his fidelity to his constitutional duties and his respect for Congress,” ayon sa mambabatas.
Sinabi ni Gonzales na ang pagpapatupad ng pambansang badyet para sa 2025 ay magiging isang hamon para sa pagpapatupad ng bagong ipinasang New Government Procurement Act.
Aniya, ang panukalang badyet para sa 2025 ang unang badyet na saklaw ng bagong procurement law.
“We can potentially save billions of pesos and precious time and energy by following the transparent, efficient and accountable procurement processes under our new law,” ayon pa sa kongresista.
Sina Speaker Ferdinand G. Martin Romualdez at Gonzales ang mga pangunahing may-akda ng batas o Republic Act No. 12009.
Una na ring pinuri ni Speaker Romualdez ang paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa New Government Procurement Act.
“This legislation ushers in a new era of transparency, integrity, and accountability in our government’s procurement processes. It reflects our unwavering commitment to the Filipino people to ensure that every peso is spent wisely and responsibly,” ayon sa pinuno ng Kamara.
Aniya, ang batas ay isang mahalagang tagumpay sa isinusulong na mabuting pamamahala at transparency sa mga transaksyon ng pamahalaan.
Sa paglagda sa New Government Procurement Act, sinabi ng Pangulo na ang batas ay magbibigay-daan upang ang public bidding ay maging maayos, tapat at pinakamahusay na paraan sa buong mundo.
Sa ilalim ng batas aniya, ang government procurement ay magiging moderno at makabago, mas pinadali at mas epektibo.
Saklaw ng RA No. 12009 ang pagtatakda ng mga bagong pamamaraan upang makamit ang value for money, procurement efficiency, at quality public services.
Sa pamamagitan ng batas, magiging epektibo at mabilis ang mga proseso ng government procurement sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong teknolohiya at makabagong solusyon. Kasama rin dito ang pagpapalakas ng koordinasyon at pagsasama-sama ng mga sistema sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.