Calendar
Marcos admin planong mag-angkat ng fertilizer na ipamimigay sa mga magsasaka
PLANO ng Marcos administration na mag-angkat ng murang fertilizer sa China at ipamigay ito sa mga magsasaka.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos na pulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Philippine Trade and Investment Center (PTIC).
Binigyan-diin umano sa pagpupulong ang kahalagahan na matulungan ang mga magsasaka at mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa.
Ayon kay PTIC President at Chief Executive Officer Emmie Liza Perez-Chiong mayroong plano ang ahensya na mag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng fertilizer mula sa China sa halagang $470 kada metriko tonelada.
Dahil government-to-government umano ang bilihan ay mas mababa ang halaga nito kumpara sa bentahan na naglalaro sa $650 kada metriko tonelada.
Isang memorandum of agreement sa pagitan ng PTIC at DA ang lalagdaan upang maipamigay sa mga magsasaka ang aangkating pataba.