PCSO

Trike driver nanalo ng P188M SuperLotto jackpot

Arlene Rivera Nov 8, 2022
135 Views

ISANG 47-anyos na tricycle driver sa Guiguinto, Bulacan ang nanalo ng P188.47 milyong jackpot prize ng Super Lotto sa bola noong Oktobre 23.

Ayon sa nanalo may dalawang dekada na siyang tumataya ng lotto.

Ang mga numerong 09-03-19-13-20-29 na lumabas sa nabanggit na bola ay mula umano sa edad, kaarawan, at araw ng kamatayan ng kanyangbuyenang babae.

“Matagal ko nang inaalagaan ang mga numerong ito. Madalas, tumataya ako kapag alam kong malaki na ang jackpot prize. Kaya sa pagkakataong ito, labis po ang tuwa kasi mababago na ang buhay namin,” sabi ng nanalo nang kumobra ng premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi umano nagmamadali ang nanalo sa paggastos at nais nitong tiyakin na tama ang kanyang mga gagawin upang hindi ito masayang.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Ang mga premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis.