Marcos

Marcos sinabing walang may gustong tumepok kay Quiboloy

Chona Yu Feb 28, 2024
154 Views

Natawa lamang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa alegasyon ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na nakipagsabwatan na siya at si First Lady Liza Marcos sa pamahalaan ng Amerika para ipapatay ang religious leader.

Sa ambush interview bago tumulak patungong Canberra, Australia, sinabi ni Pangulong Marcos na walang may gustong ipapatay si Quiboloy.

“Walang may gustong mag-assassinate sa kaniya. Bakit siya i-assassinate, wala namang— why would anyone wanted to death. I, maybe, he’s just very, very— wala na, I just, hindi ko naiintindihan ‘yung sinasabi niya. Bakit siya i-assassinate,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Wanted si Quiboloy sa Federal Bureau of Investigation dahil sa sex trafficking.

Paliwanag ni Pangulong Marcos, nakasuhan na si Quiboloy sa Amerika bago pa man siyang naupong pangulo ng bansa.

“The US— the cases against him in the US were filed before I became President. So, I guess he’s very worried doon sa ano,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, sa halip na magpukol ng ibat ibang alegasyon, mas makabubuting harapin na lamang ni Quiboloy ang mga kasong kinakaharap nito pati na ang imbestigasyon ng Kamara at Senado.

“Hindi naman siguro. Pero hindi ko alam, siguro, natatakot siya dahil sa mga pangyayari. But, I— again, the best way to defuse that situation for him is to testify before the committees in the House and in the Senate,” pahayag ni Pangulong Marcos.