Maritime cooperation sa pagitan ng PH, Vietnam nais ni PBBM

Neil Louis Tayo Aug 12, 2023
240 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maritime agreement ang Pilipinas at Vietnam sa West Philippine Sea.

Sa kanyang pakikipag-usap kay outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, binigyan diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng maritime cooperation sa dalawang bansa.

“Now that we are going to start discussions on the agreement that we have between the Philippines and Vietnam, I think it is a very, very important – it will be a very, very important part of our relationship and it will bring an element of stability to the problems that we are seeing now in the South China Sea,” ani Pangulong Marcos.

Inilarawan ng Pangulo ang kooperasyon bilang “a very big step.”

Nagbigay-pugay si Chung sa Pangulo matapos ang pamamalagi nito sa bansa mula noong Hunyo 19, 2020.

Si Chung ay nagsilbi rin bilang deputy director general ng Department of Maritime Affairs mula 2017 hanggang 2019.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Chung lalo na sa mga hakbang na ginawa nito upang mapanatili ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.