Rice

Mas mababang presyo ng bigas inaasahan sa Enero

Chona Yu Sep 24, 2024
107 Views

ASAHANG bababa ang presyo ng bigas pagsapit ng Enero 2025.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., base na rin ito sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Southeast Asia.

“Doon sa rice mukha namang sumusunod dun sa projections natin sa rice prices. And it seems to be consistent again with the same experience of other ASEAN countries like Thailand and Vietnam,” pahayag ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting ukol sa food at non-food inflation sa Palasyo ng malakanyang.

“So, I think as the time goes on, that should improve,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na nasa P5 hanggang P7 ang ibaba ng presyo ng bigas pagsapit ng Enero 2024.

“The DAs estimates are by mid-October dapat pababa na iyan slowly, but the full effects should be felt by January of 2025. Marami pa tayong stocks ng, iyong stocks na imported na nabili ng mahal paubos na. But the problem is, maraming nabiling local palay at a very high price of P30.00 per kilo from January to June of this year. Marami pang stock noon. So, but, paubos na rin tingin ko by November iyan,” pahayag ni Laurel.

“So, we should see a lowering of—because of the lower duties, saka bumaba din ng kaunti ang international price ng bigas, so pababa na iyan. But the full effects, para sa akin, P5.00 to P7.00 ang range, so, I will put it at P5.00 na dapat bumaba, kung P52 ngayon ang bigas, dapat by January nasa P48 na lag iyan, Kung P50 ang bigas ngayon, P45 dapat iyan by January, iyan ang aking estimates,” dagdag ni Laurel.