Phivolcs

Masbate inuga ng magnitude 5 na lindol

222 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang yumanig sa Masbate Sabado ng umaga.

Sa pagtataya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-3:33 ng umaga.

Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa silangan ng Masbate at may lalim na 15 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang:

Intensity V – Masbate City

Intensity III – Legazpi City, Albay; Irosin at Sorsogon City, Sorsogon

Intensity II – Aroroy, Masbate

Instrumental Intensities:

Intensity III – Legazpi City, Albay; Mahaplag, Leyte

Intensity II – Tabaco, Albay

Intensity I – Naval, Biliran; Iriga City and Pili, Camarines Sur; Calubian at Ormoc City, Leyte; Prieto Diaz, Sorsogon