Magsino

Masidhi subalit puspusang pagtalakay ng Kongreso sa RBH No. 7 pinuri

Mar Rodriguez Feb 29, 2024
166 Views

PINAPURIHAN ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang masidhi subalit puspusang deliberasyon ng Kamara de Representantes sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 para amiyendahan ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng Economic Charter Change (Cha-Cha).

Dahil dito, pinapurihan ni Magsino si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez bunsod ng kasalukuyang malusog bagama’t nakakahapong deliberasyon ng Committee of the Whole sa RBH No. 7 na itinuturing nitong tagisan ng talino mula sa mga ekperto sa Konstitusyon.

Sinabi ni Magsino na napakahalaga aniya ang ginagawang pagtalakay ng Committee of the Whole sa RBH No. 7. Sapagkat maingat at mitikolosong hini-himay ng mga kapwa nito kongresista ang bawat detalye at anggulo para sa nakatakdang pag-aamiyenda sa economic provision ng Saligang Batas.

“I welcome the robust discussion surrounding the proposed changes to the economic provisions. This is a crucial moment for our country, and it’s heartening to see such active engagement from my fellow legislators. With so many brilliant minds in the legislature,” ayon kay Magsino.

Kinatigan din ni Magsino ang pahayag ni dating Supreme Court (SC) Associate Justice Adolf Azcuna, Vice-Chairman ng Legislative Committee ng Constitutional Commission, na ngayon na ang tamang panahon para amiyendahan ang ang economic provision ng Saligang Batas mula na ito’y itatag noong 1987.

Naniniwala ang OFW Lady solon na tanging ang pag-aamiyenda lamang sa economic provision ng Konstitusyon ang nalalabing paraan upang tuluyan ng umunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan at iba pang foreign owned companies.

“We must scrutinize all proposals and perspective and engage in thorough dialogue and debate thereby fleshing out the best propositions. Kailangang maging maingat ang paghimay sa issue ng Cha-Cha,” dagdag pa ni Magsino.