Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Kuha ni VER NOVENO

Mataas na approval rating inspirasyon ni Speaker Romualdez para lalong magsipag

184 Views

MAGSISILBI umanong inspirasyon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mataas na approval rating na nakuha nito sa survey Pulse Asia upang mas lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho bilang lider ng Kamara de Representantes.

Ayon kay Speaker Romualdez nakakagaan ng loob na malaman na nakikita ng karamihan ang kanyang ginagawa pagsusumikap upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“As a token of our gratitude, we will work even harder to pass the pending bills to advance the 8-point socioeconomic agenda of President Ferdinand R. Marcos, Jr. designed to uplift the lives of our people,” ani Speaker Romualdez.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Marso 15-19, nakakuha si Speaker Romualdez ng 51 porsyentong approval rating o mayorya ng mga Pilipino ang aprub sa kanyang mga ginawa.

Sa kaparehong survey ay mayorya rin ang aprub sa performance nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., Vice President Sara Duterte, at Senate President Juan Miguel Zubiri.

Si Speaker Romualdez ay nakakuha naman ng 44 porsyentong trust rating subalit 12 porsyento lamang ang distrust rating nito. Mayroong undecided na 43 porsyento.

Bago nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso para sa Holy Week break, natapos na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na tinukoy na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Ang mga panukalang ito ay mahalaga para magawa ng administrasyong Marcos ang mga hakbang na kailangan upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at mapa-unlad ang ekonomiya.

Sa mga panukalang natapos na ng Kongreso, dalawa ang napirmahan na ni Pangulong Marcos at naging ganap na batas. Ito ang SIM Registration Act at ang pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sana noong nakaraang taon.

Ang iba pang prayoridad na maipasa ng LEDAC na natapos na ng Kamara ay ang panukalang Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E-Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act, Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at Rightsizing the National Government.

Bago ang Holy Week break ay naratipika na ng Kamara at Senado ang bicameral conference committee report na nag-aamyenda sa termino ng mga piling opisyal ng AFP at ang Agrarian Reform Debts Condonation bill.

Bukod sa mga nabanggit na panukala, mayroong tinukoy ang Kamara na 21 panukala na bibigyan nito ng prayoridad. Kasama dito ang Maharlika Investment Fund bill, Ease of Paying Taxes Act, LGU Income Classification, at pag-amyenda sa Universal Health Care Act na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa.

Inaprubahan na rin ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na nagpapatawag ng constitutional convention upang amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon at ang kaakibat nitong House Bill No. 7352.