Martin1

Mataas na public satisfaction rating ng Kamara patunay ng epektibong pamumuno ni Speaker Romualdez – House leaders

17 Views

IKINALUGOD ng mga lider ng Kamara de Representantes ang resulta ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, kung saan napanatili sa majority-level ang public satisfaction rating ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makapagtala ng 54 porsyento.

“We are happy with this result, which we attribute to the effective, strong and compassionate leadership of our Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez and his being a dependable ally of President Ferdinand Marcos Jr.,” saad nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe.

“Because of the transformational style of leadership of our Speaker, the House has accomplished much in terms of legislative and oversight achievements that aim to benefit all of our countrymen,” sabi ni Gonzales.

Tinukoy niya ang mga inisyatiba ni Speaker Romualdez para mapababa ang presyo ng bigas, kuryente, serbisyong pangkalusugan at iba pang mahahalagang serbisyo at pangangailangan.

Ayon naman kay Suarez, bumaba na ang presyo ng bigas bunsod ng maigting na oversight o pagbabantay na pinairal ng Kamara.

“We intend to bring down the cost of electricity as well. We have already initiated the process to accomplish this goal,” saad pa nito.

Tinuran naman ni Dalipe na naaprubahan na ng Kamara ang halos lahat ng prayoridad na lehislasyon ng Pangulo para magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng bansa at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

“We have a 100-percent approval record. The President can depend on the House under the leadership of Speaker Romualdez to help him in his aspiration of making life better for all of us,” saad niya.

Isinagawa ang SWS survey noong nakaraang buwan kung saan nakakuha ang Kamara ng satisfaction rating na 54 porsyento.

Naitala ang pinakamataas na rating ng Kamara sa balanse ng Luzon (57 porsyento), na sinundan ng Visayas (55 porsyento), Metro Manila (51 porsyento), at Mindanao (49 porsyento).

Pinakamataas naman ang nakuhang satisfaction rating ng Kamara sa mga edad 18-24 at 45-54 na naitala sa 58 porsyento. Naitala naman sa 56 porsyento ang nasa 35-44 na age bracket, 53 porsyento sa mga edad 55 pataas at 50 porsyento sa mga edad 25-34.