Calendar
Matandang lalaki na pagala-gala nakitang wala nang hininga
TUMAMBAD sa mga pedestrian ang bangkay ng matandang lalaki na madalas makitang gumagala sa Jose Diokno Boulevard noong Huwebes sa Pasay City.
Wala pang kaanak na kumikilala sa biktima na tinatayang 60 hanggang 65-anyos, may taas na 5’6 o 5’7, katamtaman ang laki ng pangangatawan at nakasuot ng berdeng jersey pants at berdeng long-sleeved na pang-itaas.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), natagpuan ang bangkay sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa Libertad channel sa kanto ng Diokno Blvd ilang metro lang ang layo sa bakuran ng Senado.
Huling nakitang buhay ang biktima Miyerkules ng alas-9:00 ng gabi na umano’y nagsusuka na may kasamang dugo kaya’t may ilang nag-alok sa kanya ng pagkain subalit tumanggi at minabuti pang mahiga para matulog sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang bangkay.

