Magsino1

Matibay na housing project isinusulong

Mar Rodriguez Feb 29, 2024
169 Views

DAHIL parating sinasalanta ng bagyo ang bansa na sumisira ng napakaraming tahanan. Iminumungkahi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na magtatag ng isang “comprehensive framework” o gagamiting disenyo para sa pagpapatayo ng isang matibay na tahanan o housing na kayang tagalan ang hagupit ng malakas na bagyo.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 9973 na isinulong ni Magsino na naglalayong magkaroon o mag-estalisa ng “framework” (pattern) para sa pagpapatayo ng mga matitibay o resilient housing upang magkaroon ng konkretong plano bilang paghahanda sa pagdating ng mga bagyo.

Ipinaliwanag ni Magsino na kinakailangang magkaroon ng malinaw na “lay-out” sa pagpapatayo ng isang matibay na kabahayan o housing sa gitna ng pananalanta ng mga malakakas na bagyo sa Pilipinas.

Sinabi ng OFW Lady solon na napakahalaga para sa pamahalaan ang magkaroon ng paghahanda sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang housing resilient para matiyak na magiging ligtas ang residente at maging ang kanilang kabuhayan sa panahon sumalanta ang isang kalamidad.

“Due to our country’s geo-climatic conditions. We are often faced with the loss of life and damage to property as typhoons, earthquakes and similar phenomena ravage the country. While we cannot outlaw these occurrences, we can direct our concerted efforts in ensuring proper preparations,” sabi ni Magsino.