Calendar
May bogang no license tiklo
ARESTADO ang lalaking sentensiyado sa kasong pagiingat ng hindi lisensiyadong baril at pagbebenta ng ilegal na droga nang matukoy ng pulisya sa pinagtaguang lugar noong Huwebes sa Taguig City.
Nasakote ng mga tauhan ni Taguig Acting Police Chief P/Col. Byron Allatog ang akusadong si alyas Glen dakong alas-10:55 ng umaga sa Rambutan St. Brgy. Western Bicutan.
Dalawang warrant of arrest ang isinilbi sa kanya ng mga operatiba ng Taguig Police Sub-Station-2.
Ang isa ay inilabas ni Taguig RTC Presiding Judge Mariam Guzon Bien ng Branch 153 nito lang Hunyo 19, 2025 para sa pagsisilbi ng hatol ng hukuman sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act.
Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Randy Arceo ang mga tauhan ng Taguig police sa mabilis na pagkakadakip sa suspek.

