Abante4

Abante: Patutsada ni Baste fake news

392 Views

TINULIGSA ng tagapagsalita ng Kamara si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na wala umanong basehan at gawa-gawa lamang upang linlangin ang publiko kaugnay ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“Mayor Sebastian Duterte’s latest tirade is another baseless attempt to smear Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. The figures he cites are nothing but absurd fabrications – proof once again of the Dutertes’ penchant for fake news,” ani House spokesperson Atty. Princess Abante.

Sinabi ni Abante na ironic ang pag-akusa ng alkalde kay Speaker Romualdez dahil mismong ang mga Duterte ang matagal nang tumatangging isapubliko ang kanilang mga SALN.

“What makes this even more ironic is that the Dutertes are known for keeping their own SALNs a closely guarded secret, refusing to make them public despite years in power. Now they dare lecture others about transparency? That is hypocrisy of the highest order,” dagdag pa ni Abante.

Ipinunto rin niya na ang SALN ni Speaker Romualdez ay regular na isinusumite alinsunod sa batas at dumadaan sa tamang proseso, at kung nais umano ng mga Duterte ng tunay na pananagutan, dapat nilang simulan sa pagbubukas ng kanilang sariling mga SALN sa publiko.

“The Speaker’s SALN, unlike theirs, is filed in accordance with law. If the Dutertes truly believe in accountability, they should start by releasing their own SALNs to the public, instead of inventing lies to cover up their own failures,” diin niya.

Lumabas ang pahayag ng Kamara matapos akusahan ni Davao City Mayor Baste Duterte na biglang tumaas ang yaman ni Romualdez mula P200 milyon noong 2022 hanggang P3 bilyon noong 2025, at nanawagan pa sa House Committee on Appropriations na magsagawa ng imbestigasyon.

Tinawag ni Abante ang mga pahayag na ito bilang pabigla-biglang banat na walang batayan, at binigyang-diin na ang ganitong asal ay tugma sa matagal nang taktika ng pamilya Duterte na gumamit ng akusasyon at maling impormasyon para pagtakpan ang kanilang sariling kakulangan sa transparency.