Isko2

Protesters pinagsabihan ni Yorme

Edd Reyes Sep 4, 2025
344 Views

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pananatilihin niya ang katahimikan sa gitna ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo sa harapan ng punong tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Huwebes.

Inatasan ng alkalde si Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Arnold Abad na huwag hayaang maging marahas ang mga militanteng grupo ng kabataan na sumugod sa compound ng DPWH.

Binato ng bulok na prutas at lobong may lamang tubig ang tanggapan ng DPWH na nasisisi ngayon sa mga ghost at palpak na mga flood control projects sa buong kapuluan.

“I will not allow disturbing, destroying offices of government and particularly, allow to destroy the peace of any individual residing in the City of Manila.

Kung gusto nilang ilabas ang kanilang mga hinaing at ang kanilang mga damdamin, malaya nilang magagawa iyon sa Maynila, doon sa aming mga freedom park,” paalala pa ni Yorme.

“Matatanda naman na sila. Tingin ko naman, nakita ko doon, puro 18 anyos pataas na eh. You are legally bound with your actions, violation of civil disturbance, violation of rights of any citizen.

We are a nation and city under the rule of law. Karapatan ng taumbayan, nino man, na magkaroon ng pamayanang may kapanatagan,” saad pa niya.