Calendar
![David](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/David.jpg)
Mayor David: Good service? Kargo ko
LIMAY, Bataan–Gaya ng kahit na sinong kumakandidato, nangako si Mayor Richie Jason David na isusulong ang de kalidad na serbisyo publiko.
Kamakailan lamang, nagkaroon ng ugnayan si David at Gov. Joet Garcia para ipaalam sa tao ang kanilang mga programa.
“Ito ay isang makabuluhang serbisyo publiko na may udyok ng pagmamahal sa ating mamamayan ng Limay na walang itatangi,” ani Mayor David.
Sa tulong ng PGS shared governance principles and assessment tools, huhubugin ang lahat ng kawani sa bawat departamento ng Limay upang maging “responsible and empowered” sa kanilang trabaho para maisakatuparan ang kani-kanilang vision at mission na naka-align sa Limay Vision statement.
“PGS is about effectively sharing governance responsibility aiming for positive outcome impact,” ani Mayor David.
Hangad nina Mayor David at Gov. Garcia na maging maligaya, maayos at maginhawa ang buhay ng bawat pamilya sa Limay at buong Bataan.
Ang Limay ang pinakamayamang munisipalidad sa Pilipinas dahil sa mga multinational companies gaya ng Petron Bataan Refinery, Petrochemical plants, pagawaan ng explosives, government arsenal at international ports.