sara haha Lakas-CMD Vice Presidential Candidate and Davao City Mayor Sara Duterte delivers her message of unity during the UniTeam grand rally at the Sand Dunes in Paoay, Ilocos Norte. Photo by VER NOVENO

Mayor Inday: Panahon na para mamuhay kasama ang COVID-19

285 Views

PANAHON na umano upang mamuhay ang mga Pilipino na kasama ang COVID-19.

Ayon kay vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte hindi na dapat hintayin pa na mawala ang COVID-19 sa bansa dahil walang kasiguruhan kung kailan ito mangyayari.

Sinabi ni Duterte na ang dapat na gawin ay sumunod ang publiko sa minimum health standard na itinakda ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang hawahan at magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa ganitong paraan maiiwasan din umano na mapilitan ang gobyerno na muling magpatupad ng lockdown.

Sinimulan na umano ng Davao City ang pagbubukas ng mga negosyo upang mabuhay na ang lokal na ekonomiya.

“We have to adjust, be resilient and live with COVID na wala na pong nangyayaring lockdowns” sabi ni Duterte.

Si Duterte ay nasa Ilocos Sur ngayong Huwebes, ang ika-17 araw ng kanyang Mahalin Natin ang Pilipinas Ride (MNPR).