BBM & Mayor Sara BBM: Mayor Sara pinakamagaling, pinakamahusay na VP

BBM: Mayor Sara pinakamagaling, pinakamahusay na VP

224 Views

INAMIN ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na masuwerte siya at siya ang napili na makatambal ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Dinala ni Marcos si Duterte sa Ilocos Norte na kilalang balwarte nito at mainit ang naging pagtanggap dito ng mga Ilokano.

“Umuwi ako dito na may kasama. At sinama ko na po at ipinagmamalaki ko sa ating mga kakailian ang aking naging partner, ang aking naging kasama sa kampanyang ito, ang aking kasama sa paglalaban sa kilusan ng pagkakaisa, ang pinakamagaling,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na hindi matatawaran ang galing sa pamamahala na ipinakita ni Duterte sa pagpapa-unlad ng Davao City.

“Sa lahat ng presidential candidate, hindi sila ganun kaswerte kagaya ko dahil napunta sa akin ang vice presidential, ang pinakamagaling, pinakamahusay, at bukod sa lahat ang may matibay na [paninindigan] sa kanyang paniniwala na ang pagkakaisa at dapat nating gawin. Ang ating minamahal na Mayor Inday Sara Duterte,” dagdag pa ni Marcos.

Dala nina Marcos at Duterte sa kanilang pangangampanya ang panawagan na magkaisa alang-alang sa muling pagbangon ng mga Pilipino mula sa epekto ng pandemya.