Calendar
Mayor Inday pararamihin trabaho, turol na sa mga lockdown
TUTOL si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa pagpapatupad ng lockdown kaugnay ng COVID-19 pandemic at iginiit ang pangangailangan na makalikha ng maraming trabaho mapapasukan.
Katuwang ang kanyang running mate na si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nangako si Duterte na gagawa siya ng mga hakbang upang maibalik ang mga nawalang trabaho sanhi ng limitasyong dala ng pandemya.
“Ang dami po sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Doon po muna tayo tututok, ibalik natin ang trabaho na mawala dahil sa pandemya,” sabi ni Duterte.
Nangampanya si Duterte sa Batangas ngayong Huwebes kasama si Marcos at ang kanyang campaign manager na si House Majority Leader and Leyte Rep. Martin Romualdez.
Sinamahan din sila ng mga opisyal ng Batangas sa pangunguna nina Gov. Hermilando Mandanas at Vice Governor Mark Leviste at UniTeam senatorial candidate na sina Robin Padilla at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta.