Calendar

Mayor Inton binuksan bagong FMR sa Hermosa
HERMOSA, Bataan–Pinasinayaan ni Mayor Jopet Inton noong Lunes ang bagong farm-to-market road (FMR) sa Sitio Pinagpala, Brgy. Balsik at binasbasan ni Rev. Fr. Prudencio Dumaguing ang bagong FMR.
Malaking sa mga magsasaka ang proyekto dahil hindi lang magiging komportable ang pagbiyahe kundi mapapabilis pa ang pagbenta nila sa kanilang produkto.
Dumalo sa inauguration si Department of Agriculture RO-III Bataan focal person Engr. Rommel Tiangco, Hermosa MLGOO Vernita La Torre, Hermosa Municipal Agriculturist Vincent Mangulabnan, Brgy. Kap. Amado Roncal, BEFA Chairperson Adrian Santos, BARBA Chairperson Darwin Bonagua at mga magsasaka sa Brgy. Balsik.
“Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pagpapasinaya na ito. Hindi lamang ito isang daan para sa ating mga kababayan sa Brgy. Balsik, kundi patunay ng patuloy na pag-unlad ng ating bayan sa sektor ng agrikultura,” dagdag ni Mayor Inton.