Calendar
Mayor Isko naniniwalang Manila mas uunlad ngayong taon
UMAASA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na mas magiging maunlad ang Maynila pati ang kabuhayan ng mga mamamayan ngayong 2026.
Inilahad ng alkalde ang mataas na kumpiyansa dahil napagtagumpayan na ang matinding hamon sa lugmok na ekonomiya sa nakalipas na taon.
“Today, I am still grateful to God. Salamat sa Diyos na naitawid natin ang 2025, but I’m hopeful that 2026 will bring prosperity to the people of Manila and to our city government,” pahayag ni Mayor Isko Moreno.
Siniguro rin ng alkalde sa mga kawani na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagtuon sa disiplina at responsableng paggasta upang mapatatag ang kalagayang pananalapi.
“We must continue to believe, we must do our best, and God will take care of the rest,” sabi pa niya.
Pinaalalahanan niya ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na umiiral ang serbisyo publiko dahil sa tiwala at sakripisyo ng mga taxpayers kaya’t hinimok niya ang mga ito na magsilbi ng may integridad at malasakit.
“Without them, there is no us. Our existence is through our people. I am hoping and praying for a safe city, progressive city, peaceful community,” paalala pa ng alkalde.

